top of page

Rosas na Puti

February 23, 2020

​

​

 Inakay ang alaala ng kahapon,

 kasabay ng rumaragasang alon ng luha

 na nagmula pa sa kataas-taasan

ng mga kabundukan ng pagmamahal.

 

Sa paghimlay, inangkin ng langit ang ngiti

at bumaha ng dalumhati

ng mga taong nag-aabang sa bahaghari

 habang humihiling pa ng kaunting sandali.

 

At sa paglubog ng araw, ika’y ihahatid

 dahil kailangan mo nang makauwi,

 ngunit bakit sa kalagitnaan ng araw,

biglang nakauwi bago ka pa namin naihatid?

© 2020 BY MARIANE. ALL RIGHTS RESERVED.

bottom of page