top of page

DITO

March, 2021

​

​

Habang ang syudad ay nagmamadali, sa kabila'y dahan-dahan na bumubuga ng sariwang hangin na may baong bagong kaisipan. Ang dagat naman ay walang pagod na umaalon habang nag-aaya ang mala-kalangitan nitong kulay, ngunit nananakot ng lalim at lamig sa dilim. Ito ay lalo lamang lumalakas sa bawat pagdating ng bagyo, sumisigaw ang bawat pagdaluyong at humahampas kasabay ng hangin.

 

Ang mga kabundukan naman ang siyang magpapaalala na sa tagal ng panahon, ito'y nakatayo't nananatiling nakabibighani. Hindi tulad ng karagatan, nag nanais ito ng oras at pagod bago mo tuluyan na makilala ang kahali-halina sa marilag nitong dala.

 

Ang mga yungib naman ay binabalot ng misteryo at pinaka itinatagong sikreto. Nagbibigay ng katiwasayan ang pagyakap dito ng gabi ng may pag hele.

 

Dito, hindi kalaban ang oras, bagkos isang kakampi.

 

Dito, hindi sa dulo mararamdaman ang kaluwagan dahil sa paglakbay lamang tunay na mararamdaman ang paghimlay.

 

At katulad ng mga karagatan, bundok, o yungib,

 

Dito...

 

Magpapatuloy at mananahan pang muli.

© 2020 BY MARIANE. ALL RIGHTS RESERVED.

bottom of page